
Ang dalawang Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemates na sila Heath Jornales at Dustin Yu ay patuloy na humahakot ng atensyon pagkatapos pangalanan ng isang lifestyle magazine bilang actors to watch out for.
Kasama si Heath Jornales at Dustin Yu sa listahan ng new generation of handsome Filipino actors to watch out for na ipinost ng Metro magazine sa kanilang opisyal na Instagram account. Ayon sa Metro magazine, sina Heath Jornales at Dustin Yu ay may dalang “fresh charisma, undeniable talent, and a modern take on screen presence.” Kasama nila Heath at Dustin sa listahan ang mga actor na sila Andres Muhlach at JM Ibarra.
Ang mapasali sa listahang ito ay isa lamang sa mga recognition para kay Heath, na nitong nakaraang buwan lamang ay na-feautre sa VMan Southeast Asia. Ayon sa magazine, ang Kapuso talent ay parte ng “a new generation of Filipino talents shaping the country's next wave of entertainment.”
Sa caption, sinabi rin ng VMan Southeast Asia na si Heath ay isang “emerging talent shaped as much by discipline and curiosity as by the spotlight itself” at binigyang pugay ang ama ni Heath, ang veteran actor at fight director na si Michael Roy Jornales, para sa disiplina ni Heath.
Nangyari ang magazine feature pagkatapos ng announcement ng guesting ni Heath sa Never Say Die, kung saan nakatrabaho niyang muli ang kanyang Mga Batang Riles co-stars na sila Raheel Bhyria at Star of the New Gen Jillian Ward.
Na-feature na rin sa VMan Southeast Asia si Dustin Yu, kasama ang kapwa housemates na sil Vince Maristela, Josh Ford, at Will Ashley.
Ang kanilang kapwa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Michael Sager ay naging digital cover star ng magazine noong Pebrero ng nakaraang taon.