
Bagong adisyon si Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer Heath Jornales sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Source: heathjornales (IG)
Gaganap siya rito bilang young gamer na si Gilbert. Mapupunta siya sa isang scam hub pero makakatakas din.
Magiging mahalaga ang karakter niya bilang lead ng Firewall para mahanap si Sunshine (Shayne Sava), ang kapatid ni Galo (Miguel Tanfelix) na napunta sa parehong scam hub sa ibang bansa.
Ayon kay Heath, excited na siyang maipakita ang kanyang martial arts skills sa mga action scenes para sa serye.
"Opo, parang may gamay ko po 'yung action. Sa You're My Favorite Song, nangangati na po ako mag-fight scene," kuwento ng aktor.
Grateful siya sa training na ibinibigay sa kanya ng tatay na aktor at stunt direktor na si Michael Roy Jornales.
"I'm super thankful din po for my dad na tiniruan niya 'ko starting young. Hanggang ngayon, tinuturuan pa rin niya ako," bahagi ni Heath.
Isang recurring character ang role ni Heath at daldalhin niya sa serye ang pananaw at karanasan ng henerasyon ng kabataan na lumaki kasama ang technology.
Abangan si Heath Jornales sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay Heath Jornales para sa 24 Oras sa video sa itaas.