GMA Logo Heaven Peralejo
Source: heavenperalejo (IG)
What's on TV

Heaven Peralejo, nagkwento tungkol sa breakup nila ni Marco Gallo

By Mark Joseph F. Carreon
Published May 5, 2026 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heat index in Iloilo reaches danger category on May 5, 2026
'Danger level' heat index expected in 7 areas on May 6, 2026
'Star Wars: The Return of the Jedi in Concert' is coming to Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Heaven Peralejo


Heaven Peralejo sa breakup nila ni Marco Gallo: “It will always be painful.”

Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita ang aktres na si Heaven Peralejo patungkol sa kanilang hiwalayan ng aktor at dating ka-love team na si Marco Gallo.

Hindi naitago ni Heaven ang kanyang emosyon nang ilahad ang kanyang pananaw sa naging katapusan ng kanilang relasyon ni Marco, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tamang panahon o “season.”

“I've realized na hindi naman lahat ng tao is meant to stay forever in your life. And sometimes, dapat nandoon lang siya sa season na 'yon ng buhay mo, kumbaga,” pahayag ni Heaven.

Inamin din ng aktres na seryoso ang kanyang intensyon sa pakikipagrelasyon, kaya naman hindi maiwasang magkaroon ng kalituhan o “miscommunication” sa naging takbo ng kanilang ugnayan.

“Ako kasi date to marry ako. So maybe, nagkaroon ng miscom. Or maybe, again, hanggang gano'n lang talaga. And that's fine,” aniya.

Sa kabila ng sakit, ipinamalas ng aktres ang kanyang maturity sa pagtanggap na ang bawat relasyon ay may kani-kaniyang limitasyon at mga pagkukulang na hindi na maiiwasan.

Ibinahagi rin niya na walang puwang ang pagsisisi sa kanyang puso. Aniya, sapat na ang katotohanang naging tapat sila sa kanilang nararamdaman at ibinigay ang kanilang "best" sa panahon ng kanilang pagsasama.

“It will always be painful. Because you have these expectations, but then again, matanda na tayo,” sabi ni Heaven.

“We accept that everyone has flaws, ako rin naman and siya rin. And maybe, hanggang doon na lang kami, and it's fine. Kasi, at some point, minahal namin 'yung isa't isa the best that we can,” dagdag pa niya.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa buhay matapos ang breakup, inilarawan ni Heaven ang proseso ng paghilom hindi bilang pagkawala ng sarili, kundi bilang isang daan tungo sa mas malalim na pag-unawa sa kanyang pagkatao.

“And [I asked myself], 'Was I lost after the breakup?' And then, I realized you never [really] get lost. You actually rediscover yourself: who you are now and who you want to be,” pagbabahagi ni Heaven.

Kinumpirma nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa isang interview ang kanilang hiwalayan noong Hulyo 2025.

Ayon kay Heaven, ang naging desisyon ay “mutual,” habang binanggit din niya na nananatili silang mabuting magkaibigan.

Related Gallery: Sweetest Photos of Heaven Peralejo and Marco Gallo