
Sa muling pagbubukas ng mga sinehan, mapapanood sa iba't ibang panig ng bansa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 entry na Huling Ulan Sa Tag-araw na pagbibidahan ng breakthrough Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela.
Sa Instagram post ng producer ng debut film ng RitKen na Heaven's Best Entertainment, inanunsyo nila ang listahan ng mga sinehan kung saan mapapanood ang pelikula sa araw ng Kapaskuhan, as of December 9, 2021.
Lalabas si Ken bilang Luis, isang seminarista na malapit nang magpari, samantalang si Rita ay lalabas bilang Luisa, isang bar singer, sa Huling Ulan Sa Tag-araw.
Sa official trailer ng pelikula, mapapanood si Luis na naghahanap ng sign at doon niya nakilala si Luisa sa gitna ng ulan.
Pupunta sila sa probinsya para sa misyon ni Luis ngunit masusubok ang debosyon niya na pasukin ang buhay-relihiyoso nang mahulog ang kanyang loob kay Luisa.
Makakasama nina Ken at Rita sa Huling Ulan Sa Tag-araw sina Lotlot De Leon at Richard Yap na gaganap na mga magulang ni Luis.
Ang Huling Ulan Sa Tag-araw ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
Samantala, narito ang iba pang entries sa MMFF ngayong taon: