GMA Logo rita daniel at ken chan
What's Hot

Official trailer ng launching movie nina Rita Daniela and Ken Chan, inilabas na

By Jansen Ramos
Published November 25, 2021 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniel at ken chan


Official entry sa Metro Manila Film Festival 2021 ang pelikulang pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela, ang 'Huling Ulan Sa Tag-Araw.'

Opposites attract.

'Yan ang tema ng launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela, ang Huling Ulan Sa Tag-Araw, na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Sa official trailer ng pelikula na inilabas ng Solar Pictures noong November 24, mapapanood ang pagkakaiba ng mga personalidad ng mga karakter nina Ken at Rita.

Lalabas si Ken bilang Luis, isang seminarista na malapit na magpari, samantalang si Rita ay lalabas bilang Luisa, isang bar singer.

Sa pagbukas ng trailer, mapapanood si Luis na naghahanap ng sign at doon niya nakilala si Luisa sa gitna ng ulan.

Pumunta sila sa probinsya para sa misyon ni Luis ngunit masusubok ang debosyon niya na pasukin ang buhay-relihiyoso nang mahulog ang kanyang loob kay Luisa.

Makakasama nina Ken at Rita sa Huling Ulan Sa Tag-Araw sina Lotlot De Leon at Richard Yap na gaganap na mga magulang ni Luis.

Ang Huling Ulan Sa Tag-Araw ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio at mula sa produksyon ng Heaven's Best Entertainment.

Panoorin ang buong trailer dito:

Noong Mayo, nakamit ni Rita ang kanyang unang international recognition.

Na-nominate siya bilang Best Actress sa International Film Festival Manhattan para sa 2020 movie na In The Name of the Mother, na prinodyus din ng Heaven's Best Entertainment.

Tingnang ang transformation ni Rita mula sa pagiging kiddie pop star hanggang sa maging breakthrough actress sa gallery na ito: