
Sa guest appearance ni Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl, sa Mars Pa More, game na game siyang sumagot sa mga tanong sa larong “Lightning Laglagan” kasama ang hosts na sina Iya Villania at Camille Prats, pati ang fellow celebrity guest na si Isabel Oli Prats.
Sa una ay mabilisang sinagot ni Herlene ang mga tanong at sa huli ay doon niya ipinaliwanag ang kanyang mga sagot.
Ilan sa mga sinagot niyang tanong ay kung totoo bang may nakaalitan siyang kilalang beauty queen.
Walang pag-aalinlangan naman niya itong sinagot.
Ani Herlene, “Oo, nag attitude siya.”
Tinanong din si Herlene kung tatanggap ba siya ng daring roles kung sakaling may mag-offer sa kanya nito.
Tugon ni Herlene, “Tatanggapin ko kasi gusto ko pong mas maraming masubukan, na ma-experience natin lahat. Okay 'yon para masaya.'
Naitanong din ni Camille kay Herlene kung ano ang pinakabonggang natanggap niya mula kay Kuya Wil.
Sagot ni Herlene, “'Yung pangarap ko po, natanggap ko na eh. 'Yun. Priceless po kasi sa'kin lahat eh.
“'Yung mga perang binibigay niya sa'kin, mas worth it po 'yung binigyan niya ko ng tiyansang mapunta po dun sa kanya po.
“Okay na po sa'kin 'yon. 'Yon na po 'yung pinakamalupit.”
Bukod pa roon, ibinunyag din ni Herlene kung ano ang pinakamahal na nabili niya para sa kanyang sarili matapos ang kanyang pagsikat sa programang 'Wowowin.'
“Para sa'kin, sapatos,” Ani Herlene. “Hindi kasi first time ko lang kasing bumili ng sapatos sa buong buhay ko, na talagang ako 'yung gumastos po talaga tapos binili ko siya.
“Nike Air Force 1. Sale lang po siya eh, P4,600 lang,”
Panoorin ang iba pang mga ibinulgar ni Herlene Budol sa “Lightning Laglagan” game sa Mars Pa More'video sa itaas.
Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Tingnan ang nakakagulat na transformation ni Herlene Budol sa gallery ito.