GMA Logo Herlene Budol at Buboy Villar
What's on TV

Herlene Budol at Buboy Villar, kinaaliwan sa 'False Positive'

By Jansen Ramos
Published May 6, 2022 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol at Buboy Villar


Sa episode ng 'False Positive' kahapon, May 5, napanood ang nakakaaliw na banter nina Herlene “Hipon Girl.”

Bukod sa unang tambalan nina Xian Lim at Glaiza De Castro, inaabangan din gabi-gabi ang riot na tandem nina Herlene "Hipon Girl" Budol at Buboy Villar sa bagong GMA Telebabad series na False Positive.

Dito ay ginagampanan nila ang mga folklore characters na sina Malakas at Maganda, na may kinalaman sa pagbubuntis ng male lead character na si Edward (Xian).

Mga istatwa sa fountain na nabuhay sina Malakas at Maganda, na naghahatid hindi lang ng fantasy pati komedya sa False Positive.

Sa kuwento, minsan lang tumupad ng kahilingan sina Malakas at Maganda kaya pinipili nila ang karapat-dapat dito.

Sa episode ng miniseries kahapon, May 5, napanood ang nakakaaliw na banter nila Buboy at Herlene matapos mag-away dahil sa tinupad na wish ng karakter ni Herlene.

Pinagtagpi-tagping dahon lamang ang costume ng dalawa na dumagdag pa sa katatawanan.

Reaksyon ng viewer na may pangalang Nheng BabonBarcinas, "tawang tawa ako sa pag balya ni maganda kay malakas! kung napalakas un, talsik si malakas sa liit nya."

Sabi ng ilang viewers, natural na natural ang pagiging komedyante nina Herlene at Buboy, at narito ang pruweba.

"Ang galing hatak ng patawa nila. natural na natural. wala ka keme- keme.
Ito ang susunod na henerasyon bilang komedyante," komento ng Facebook user na si Len .

Wish naman ng netizen na ito na magbida sa isang proyekto sina Herlene at Buboy.

"So funny talaga silang dalawa sana magkaroon sila na teleserye na sila dalawa bida para always happy lang," pagpuri nin Mary Grace B. Crame sa dalawang aktor.

Simula pa lang 'yan ng katatawanan sa False Positive kaya subaybayan ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 ng gabi sa GMA.

Mapapanood din ang full episode ng four-week special series sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, narito ang iba pang artistang napapanood at mapapanood sa GMA ngayong summer: