
Dream come true para sa Kapuso dramatic actress na si Glaiza De Castro na makagawa ng comedy. Bibida siya sa bagong fantasy rom-series ng GMA na False Positive kasama si Xian Lim.
"Natupad 'yung pangarap kong mag-comedy. Galing kasi ako sa Vincenzo na series 'tapos no'ng pinapanood ko s'ya sabi ko parang ang saya gumawa ng ganyan parang may kalog, parang malalaki 'yung movements 'tapos malalaki 'yung expressions so in a way may ganoong element 'yung show na 'yun. Very light lang talaga," kuwento ni Glaza sa virtual media conference nila ni Xian para sa False Positive.
Ang afternoon drama na Nagbabagang Luha ang huling proyektong ginawa ni Glaiza na ipinalabas noong 2021. Ito ay TV adaptation ng comic novel ni Elena Patron na may parehong pamagat na isinapelikula noong '80s.
Ayon sa False Positive leading man ng aktres, humanga siya kay Glaiza dahil kaya nitong i-deliver ang kahit ano mang role na ibato sa kanya.
Sambit ni Xian, "Iba ang isang Glaiza De Castro, bata pa lang ako napapanood ko na siya. Nakakatuwa lang sa mga napapanood ko sa kanya kasi 'di ba before this Nagbabagang Luha 'yung ginawa niya, sobrang intense niya as a person and as an artist.
"Napaka-intense niya and napaka-passionate sa trabaho so for her to tackle a whole comedy and sweet and medyo pabebe so ang hirap lang sometimes to keep a straight face while acting kasi 'yun nga everyone was having so much fun pero iba pa rin ang isang Glaiza De Castro."
First time magkatrabaho nina Xian at Glaiza pero madali lang daw nila na-break ang wall.
Papuri ni Glaiza kay Xian, "Nakakatawa talaga siyang tao, 'di ko in-expect 'yun sa kanya. Akala ko sobrang seryoso niyang tao, 'yung parang walang humor sa life."
Sabay hirit ni Xian sa pahayag ni Glaiza, "Kala niya suplado akong tao."
Ganito rin daw ang naging impression ni Xian sa Asia's Acting Gem pero nabali ito noong nagkasama na sila sa lock-in taping nang isang buwan.
Aniya, "First impression ko kasi sa kanya intense siyang tao 'yung hindi pwedeng biruin na parang 'Stick lang tayo sa trabaho ha' na 'wag kang magbibiro baka ma-break 'yung character niya. So medyo iniisip ko pa kung paano pero as we move along, nakikilala namin 'yung isa't isa, parang kalog din naman si Glaiza. Nakikipagkulitan siya. Masaya siyang kasama."
Para kay Glaiza, perfect din ang tandem nila ni Xian para sa rom-com series.
"Na-realize ko nga 'di talaga ako pwedeng magkaroon ng leading man na tahimik kasi walang mangyayari sa 'min so natutuwa ako na 'yung energy ni Xian ibang level.
"Nasa ibang dimensyon siya talaga at wala akong magawa kundi sakyan 'yon especially sa mga scenes namin, hindi lang po ito sa mga break namin pero kapag nasa eksena kami, may mga gagawin siyang 'di ko ine-expect.
"So nahirapan ako dito kasi 'di ko kayang 'di tumawa so 'yun 'yung naging struggle ko na in a way masaya naman. At least, 'di ako stressed at 'di ako masyadong intense."
Dagdag pa ni Xian, nag-jibe ang kanilang mga personalidad sa pagbuo ng kanilang chemistry.
"The way she is and the way I am, parang umabot naman kami sa point na [close na kami] na puro basagan lang na we would not get offended kung ano man 'yung usual na nakikita sa 'min ng tao, binabasag na namin 'yung sa isa't isa."
Katwirang dugtong ni Glaiza, "In a way parang gano'n kasi ako kumonek sa tao, gina-gauge ko kung sensitive ba 'to, kung sasakay din ba siya.
"Sinakyan niya pero mas tinodo niya pa kapag binabalik niya sa 'kin 'yung mga basag ko sa kanya, mas mabigat e."
Birong patuloy pa ni Glaiza, "So konti na lang ma-o-offend na talaga 'ko."
Mapapanood ang False Positive simula Lunes, May 2, pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.
Maaari rin mapanood ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.
Narito ang iba pang artistang mapapanood sa GMA ngayong summer: