GMA Logo Herlene Budol and Rob Gomez
Source: Your Honor
What's on TV

Herlene Budol, ayaw na maka-trabaho si Rob Gomez

By Aedrianne Acar
Published March 1, 2025 9:30 PM PHT
Updated March 1, 2025 9:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol and Rob Gomez


Herlene Budol sa kinasangkutan niyang kontrobersya: “Nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita.”

Umamin ang actress at beauty queen na si Herlene Budol sa guesting niya sa Your Honor vodcast na ayaw na niya maka-work ang former Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez.

Matatandaan na nadawit ang dalawa sa isang malaking kontrobersya noong 2023 nang kumalat diumano ang private conversation nila ni Rob.

Nabanggit ang pangalan ng aktor nang tanungin si Herlene ni Buboy Villar sa 'Executive Whisper” portion na, “Sinong actor ang ayaw mo makatrabaho? Yung totoo.”

Binanggit ng Binibining Marikit star ang pangalan ni Rob at nagpaliwanag, “Yung nagka-issue nga last year. Tapos parang hindi lang ako napagtanggol. Siguro alam niya naman kung bakit ayaw ko na siya makatrabaho. Siguro, siya lang.”

Dagdag pa ni Herlene, “Pero kung siya 'yung tatanungin. Feeling ko rin ayaw din naman niya ako [maka-trabaho]. Iwas-gulo lang din. Para iwas issue parang pagod! Pagod na pagod din talaga ako sa mga binabatong hindi naman talaga [din totoo].

"Alam mo 'yun ang hirap ipagtanggol ng sarili mo. Tapos wala pa nagtatanggol sa'yo. Kaya nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita… No hate ako sa kanya, basta siguro para lang sa ikakatahimik ng lahat.”

RELATED CONTENT: Things You Didn't Know about Herlene "Hipon Girl" Budol