
Litaw na litaw ang sexy figure ni Herlene Budol sa rampahanan showdown episode ng pinagbibidahan niyang serye na Magandang Dilag na ipinalabas noong Huwebes, October 12.
Sa unang outfit ni Herlene, gumaganap na Gigi sa GMA Afternoon Prime series, suot niya ang itim na strapless maillot na nagpatingkad sa kanyang balingkinitang katawan.
Sa pangalawang kasuotan naman ni Herlene, mala-supermodel ang kanyang dating habang suot ang pink lingerie na nag-emphasize sa kanyang 23-inch waistline. May suot din na pakpak ang aktres na base sa Victoria's Secret Angels.
Sa nasabing episode ng Magandang Dilag, nagkaroon ng showdown ang mga karakter nina Herlene, Maxine Medina, Bianca Manalo, at Angela Alarcon sa runway.
Sinubukang sabotahihin ni Blaire, ginagampanan ni Maxine, si Gigi pero hindi ito nagpakabog kay Blaire matapos madulas sa mantika sa stage.
Bagkus, umawra si Gigi habang nasa stage para ipakita na hindi siya apektado sa paninira ni Blaire kahit pa suot nito ang enchanted bra.
Panoorin ang episode highlights sa video na ito.
Mapapanood ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.
NARITO ANG IBA PANG SEXY PHOTOS NI HERLENE: