What's on TV

Herlene Budol at Maxine Medina catfight scenes sa 'Magandang Dilag, intense!

By Jansen Ramos
Published September 28, 2023 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol at Maxine Medina in magandang dilag


Ayon kay Maxine Medina, pinag-uusapan nila ni Herlene Budol ang kanilang mabibigat na eksena sa 'Magandang Dilag' para maging makatotohanan ang kalalabasan.

Intense ang mga eksena nina Herlene Budol at Maxine Medina sa GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag kung saan mortal silang magkaaway sa serye.

Ginagampanan ni Herlene ang papel na Greta, ang disguise ni Gigi, samantalang si Maxine ay gumaganap bilang Blaire, ang lider ng Elite Squad. Sa serye, noon pa man ay may alitan na ang dalawa. Ginamit ng Elite Squad si Gigi para mahuthutan ito ng pera para masalba ang kanilang negosyo sa pamamagitan ni Jared (Rob Gomez), na fiance ni Blaire. Nabagligtad ang mundo nang magbalik si Gigi bilang Greta para maghiganti sa Elite Squad.

Sa episode ng Magandang Dilag noong Lunes, September 25, nagkasakitan sina Greta at Blaire matapos mag-runaway groom ang mapapangasawa sana ng huli na si Jared.

Ito ay matapos kumalat sa social media na nasa panganib si Greta dahil sa nasusunod sa studio.

Iniwan ni Jared ang kanyang bride sa simbahan para sagipin si Greta.

Sa isang eksena, nagkasabunutuan at nagkatulukan sina Greta at Blaire.

Sa isang revenge drama, hindi maiiwasan ang mga catfight scene. Pero nilinaw ni Maxine na nadadaan sa usapan ang ganitong mga mabibigat na eksena para maging makatotohanan ang kalalabasan.

Bahagi niya sa media conference ng Magandang Dilag noong Hunyo, "Actually, parang lahat naman kami nasaktan pero kasi 'di naman magiging maganda ang eksena kung 'di mo ibibigay 'yung 100% percent mo.

"Although kapag may gano'ng ka-heavy drama and heavy scenes, talagang pinag-uusapan namin before naming gawin.

"And, of course, with the help of our director, siyempre, nag-iingat din kami para 'di masaktan 'yung isa't isa pero, for sure, ibibigay namin 'yung best na scene for the viewers."

Mapapanood ang Magandang Dilag Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG.