GMA Logo herlene budol
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui
What's Hot

Herlene Budol, isa nang Sparkle star

By Kristine Kang
Published March 6, 2024 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Herlene Budol bilang bagong Sparkle artist: "[B]ilang anak ng GMA, mas pagbubutihin ko pa po."

Masayang sinalubong ng Sparkle GMA Artist Center ang kanilang bagong talent na si Herlene Budol sa kaniyang contract signing nitong Martes, March 5.

Kuwento ni Herlene sa panayam niya kasama si Lhar Santiago, labis ang tuwa niya na makasama na siya sa Sparkle family. Dahil dito, pursigido siyang pagbutihin pa niya ang kaniyang trabaho.

"Feeling ko po safe na po ako kasi may bahay na po ako talaga na feeling ko dumami na po 'yung magulang ko. At saka siyempre, bilang anak ng GMA, mas pagbubutihin ko pa po," sabi ni Herlene.

Maliban dito, naikuwento rin ng Kapusong aktres kung gaano nagbago ang kaniyang pananaw sa kaniyang propesyon. Kung dati iniisip niya lamang ay "yes, may raket pera na naman ito," ngayon ay mas seryoso at nag-e-enjoy na siya sa pag-arte.

"Nag-a-acting workshop na po ako ngayon. First time ko po na mag-acting workshop kaya parang sobrang na-e-excite po ako kung ano pa po yung kaya kong gawin," sabi ng aktres.

Kasama rin sa contract signing ang Senior Vice President ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon-Valdez, Sparkle Vice President Joy Marcelo, at Sparkle Senior Talent Manager na si Jan Navarro.

Sabi ni Annette Gozon sa kaniyang interbyu, natutuwa siya kay Herlene bilang artista dahil nakikita niya kung gaano pinapasaya ng aktres ang mga manonood sa kaniyang mga palabas.

"Nakakatuwa siyang panoorin, e. Parang enjoy na enjoy ako 'pag nakikita ko siya sa mga soap opera, 'pag nakikita ko siyang nagho-host. So, talagang refreshing siya in a way sa paningin ko and sa paningin ng mga viewers so I'm sure, malayong-malayo pa ang mararating ni Herlene," masayang sinabi ni Annette Gozon.

TINGNAN ANG NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NI HERLENE BUDOL DITO:

Ngayon ay napapanood si Herlene sa GMA Prime action series na Black Rider, kung saan kasama rin niya ang kaniyang mentor na si Wilbert Tolentino.

Sa hiwalay na panayam, naikuwento ni Wilbert kung gaano kahusay na aktres ang Kapuso star sa naturang palabas.

"Naku, sobrang galing niya. Wide shot, tight shot, safety shot, isang punas lang ng luha, pag pinapatak kagad ang luha, kaya niyang gawin," sabi niya.

Nang matanong naman si Herlene kung kumusta siya sa set, ang sagot niya, "Excited po akong palaging pumasok. 'Tapos, ayoko pong mawawalan lagi ng taping kasi nami-miss ko po silang mga ka-bonding. Ayun po 'yung pahinga ko, 'yung pagtatrabaho ko."

Panoorin ang buong report ng "Chika Minute" dito: