
Kinumpirma ng beauty queen-turned-actress na si Herlene Budol sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang pagsali sa Miss Grand International.
Sa episode ng naturang programa ngayong Martes, February 28, game na sumalang sa isang panayam si Herlene kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.
Bago ang kanyang buhay pag-ibig, agad na tinanong ni Boy kung may balak ba si Herlene na muling sumali sa beauty pageant partikular na sa Miss Grand International.
Tanong ni Boy, “Ikaw ba ay sasali sa Miss Grand International?”
Agad naman itong sinagot ni Herlene. Aniya,”Kung ako ang tatanungin Tito Boy, gusto ko 'yung gusto ng manager ko naman. So sasali po ako.”
“Dahil alam mo na ang gusto ng manager mo ay tama. Sobrang mahal ka ni Wilbert,” sagot naman ni Boy kay Herlene.
Ayon kay Herlene, nagpapasalamat siya sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanya at sa kanyang pamilya kung kaya't mahalaga sa kanya na sundin ang kagustuhan nito na sumali siya sa natuang pageant.
“Sobra po kasi nung Binibini po totally hindi ko po talaga gusto sumali. Siya lang po 'yung nag-motivate sa akin [dahil] nakita niya po 'yung potential ko po. This time Tito Boy, tinupad niya 'yung pangarap ko na magkaroon ng bahay, sasakyan, mapagamot 'yung lolo ko, pati 'yung burol ng lola ko sinagot niya. So 'yung kaligayahan naman po ni Sir Wilbert ang gagawin ko now which is kaligayahan ko rin naman po ngayon 'yung mapasaya ko naman siya.”
Matapos ito, tinanong naman ni Boy kung ano ang baon niya sa naturang international pageant.
“Sa pagsali mo sa Miss Grand International, ano ang baon mo ngayon? Maliban doon sa squammy walk?”
“Kapal po ng mukha,” agad na sagot ni Herlene.
“'Yun pa rin ang baon mo?” muling tanong ni Boy.
“Opo 'yun po kasi ang number one ko na puhunan ko sa buhay e, Tito Boy. wala po akong ibang talent, kapal lang ng mukha. Bibihira po 'yun 'yung talent na 'yun,” ani ng aktres.
Sumangayon naman dito si Boy at sinabing, ”Oo naman, ilaban natin yun at hindi natutunan yan. Whether you have that or you don't.”
Samantala, mapapanood na rin si Herlene sa kanyang first-ever Kapuso series na Magandang Dilag malapit na sa GMA.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
LOOK: HERLENE BUDOL'S STUNNING PHOTOS AS A BEAUTY QUEE: