GMA Logo Herlene Budol
Source: herlene_budol/IG
What's Hot

Herlene Budol, kinikilig sa nalalapit na paglabas ng pagbibidahang serye na 'Magandang Dilag'

By Kristian Eric Javier
Published May 31, 2023 9:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Marami ang dapat abangan sa debut series ni Herlene Budol na 'Magandang Dilag.' Alamin dito kung ano ang ilan sa mga iyon.

Hindi na maitago ni Herlene Budol ang kilig at excitement sa nalalapit na pag-ere ng kanyang debut series na Magandang Dilag, at sinabing ipagyayabang daw niya ito “ng sobra-sobra.”

“Kasi binigay ko po 'yung best ko dito, siyempre lahat po ng artista, mga beterano, solid po talaga, 'yung mga hindi ko nakakasama, unexpected na mangyari, nangyari ho talaga,” sabi ni Herlene sa interview niya kay Lhar Santiago sa “Chika Minute” para sa 24 Oras.

Isa pa sa mga unexpected na nangyari kay Herlene sa serye na ikinilig din niya ay ang first on-screen kiss sa mga leading men niya na sina Benjamin Alvez at Rob Gomez.

“Feeling ko ho dalagang-dalaga ako. Basta sobrang sarap sa feeling, may kumi-kiss sa aking artista, kinikilig ho akong totoo,” sabi ni Herlene.

Pero kahit kinikilig ay hindi pa muna sinabi ng vlogger-turned-actress kung sino sa dalawa ang nakaeksena niya.

Bukod sa kissing scene, inamin ni Herlene na isang eksenang hindi niya malilimutan ay ang pagsakal niya kay Chanda Romero, at sinabing na-excite rin siya sa naging eksena nila.

“As Herlene 'Hipon' Budol, taga doon lang sa amin, taga slaughter house, sasakalin ang isang Chanda Romero? Sino ba naman ang hindi mae-excite du'n?” aniya.

“Ayun talaga sobrang sorry ko ho. Hindi ko po alam paano aatakihin si Miss Chanda,” dagdag pa niya.

Unang inanunsyo ang serye na pagbibidahan ni Herlene noong October 2022 at ngayong nalalapit na ang pagpapalabas ng serye, hindi raw maiwasan ni Herlene na kiligin tuwing naririnig ang kantang pinaghanguan ng titulo nito.

“Kinikilig ho ako, feeling ko ako na talaga 'yun, feeling ko para sa akin talaga 'yung kantang 'yun,” paglalahad niya.

BAGO ANG KANYANG DEBUT SERIES, TINGNAN MUNA RITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE: