GMA Logo herlene budol
What's Hot

Herlene Budol, maghihiganti sa 'Magandang Dilag'

Published May 18, 2023 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Palabang bida si Herlene Budol sa upcoming revenge serye ng GMA na 'Magandang Dilag.'

Malapit nang mapanood sa GMA ang debut series ni Herlene Budol na Magandang Dilag kung saan lalabas siya bilang Gigi.

Sa inilabas na bagong teaser ng drama, mapapanood na inaalipusta si Gigi ng karakter ni Maxine Medina na si Blair.

Mapapansing pinapangit ang hitsura ni Herlene na may suot na dental prosthetics at may makapal na kilay.

Base sa teaser, isang revenge serye ang Magandang Dilag kung saan magiging palaban si Gigi at maghihiganti sa mga nang-api sa kanya.

In-introduce din dito sina Adrian Alandy at Bianca Manalo, na parehong kontrabida rin sa upcoming GMA series.

Panoorin:

Parte rin ng cast ng Magandang Dilag sina Benjamin Alves at Rob Gomez, na leading men ni Herlene sa serye.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Sandy Andolong, Al Tantay, at Chanda Romero, at Sparkle artists na sina Angela Alarcon, Muriel Lomadilla, at Jade Tecson.

Ang Magandang Dilag ay launching series ni Herlene matapos pasukin ang pag-aartista nang mag-viral bilang Wowowin contestant noong 2019.

NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: