GMA Logo herlene budol billboard
What's Hot

Herlene Budol, may 3D LED billboard na sa EDSA

By Jansen Ramos
Published October 27, 2022 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol billboard


Ayon sa 'Magandang Dilag' star na si Herlene Budol, ito ang una at pinakamalaking 3D LED billboard sa bansa.

Ibinida ng beauty queen/actress/vlogger na si Herlene Budol sa social media ang kanyang latest milestone bilang modelo.

Sa Instagram post niya noong October 26, ipinakita niya ang video ng kanyang 3D LED billboard sa EDSA para sa ineendorso niyang clothing brand.

Mapapanood dito ang pagrampa ni Herlene sa isang casual denim outfit bago ang pasarela niya habang naka-gown.

Aniya, ito ang "First (and) Biggest 3D LED Billboard in The Philippines."

Nagpasalamat naman si Herlene sa ineendorso niyang brand para sa "once in a lifetime opportunity na pinakauna ma-feature sa 3D LED billboard."

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Patunay lang ito ng gumagandang career ni Herlene.

Matapos mapanood sa Wowowin bilang bikini open winner contestant, sumali naman siya sa major beauty pageant sa bansa na Bb. Pilipinas 2022 at nagwagi pa bilang first runner-up.

Dahil sa kanyang Bb. Pilipinas title, ipapadala siya sa Uganda para maging kinatawan ng bansa sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Nobyembre.

Bukod pa sa pageantry, umaasenso rin ang kanyang acting career dahil magkakaroon na rin siya ng sarli niyang teleserye na pinamagatang Magandang Dilag na mapapanood sa GMA.

TINGNAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL DITO: