GMA Logo Herlene Budol
Celebrity Life

Herlene Budol, naaksidente habang nagba-vlog?

By EJ Chua
Published September 9, 2022 2:07 PM PHT
Updated September 9, 2022 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA: P8.9B farm-to-market roads in NEP not reviewed, validated
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Ano kaya ang nangyari kay Herlene Budol habang nagbabakasyon sila ng kaniyang pamilya? Panoorin DITO:

Matapos maging abala sa napakaraming bagay, naglaan ng oras si Herlene Budol para magbakasyon at makapag-relax.

Sa kaniyang latest vlog, masayang ibinahagi ni Herlene sa netizens ang kaniyang naging bonding kasama ang kaniyang pamilya.

Ayon sa 2022 Binibining Pilipinas first runner-up, sa isa sa pinakamagandang resort sa Batangas sila nagtungo upang mag-relax.

Ipinakita niya rito ang tinuluyan nilang villa, ilang swimming pools, at pati na rin ang kaniyang swimming attire.

Matapos magbabad sa pool, ipinasilip din ni Herlene ang iba pang mga kwarto roon, pati na rin ang napakagandang views.

Ngunit habang lumilibot at nagba-vlog, biglang nahulog sa hagdan si Herlene.

Agad namang inaasikaso ng resort staff si Herlene at ginamot ang ilang gasgas na natamo nito sa aksidente.

Panoorin ang latest vlog ni Herlene Budol DITO:

Nito lamang August 23, 2022, ipinagdiwang ng former False Positive actress ang kaniyang 23rd birthday.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA LALAKI SA BUHAY NI HERLENE “SEXY HIPON” BUDOL SA GALLERY SA IBABA: