
Patuloy na namamayagpag ang career ng beauty queen at aktres na si Herlene Budol.
Abala siya sa kanyang showbiz commitments at paghahanda para sa sasalihan niyang international pageant na Miss Grand International.
Tila wala na ngang time si Herlene sa pakikipagrelasyon kaya, aniya, "bonus" na lamang daw kung magkakaroon man siya ng boyfriend nang tanungin siya ng batikang host na si Boy Abunda sa talk show nitong Fast Talk with Boy Abunda kung gaano kahalaga ang isang lalaki para sa kanyang kaligayahan.
Naungkat din dito ang pakikipag-date ni Herlene sa isang basketball player at sa dati niyang teacher na aniya'y "muntikan" lang niya nakarelasyon.
Sa ngayon, walang eksklusibong dine-date si Herlene dahil committed daw siya sa kanyang trabaho.
"Para sa 'kin, ang pagmamahal willing mag-antay. Hindi po dapat minamadali lahat ng bagay.
"Para sa 'kin, ang syota ko po ngayon 'yung career ko, tapos gusto kong buntisin tapos paramihin kasi trabaho po 'yung gusto ko."
Panoorin ang buong panayam ng King of Talk kay Herlene dito:
Sa unang pagkakataon, magbibida si Herlene sa telebisyon via upcoming GMA series na Magandang Dilag.
Mapapanood din dito sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Bianca Manalo, Adrian Alandy, Angela Alarcon, at Jade Tecson.
Parte rin ng cast ng teleserye ang mga batikang aktor na sina Sandy Andolong, Al Tantay, at Chanda Romero.
Ang Magandang Dilag ay launching series ni Herlene matapos pasukin ang pag-aartista nang mag-viral bilang Wowowin contestant noong 2019.
NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: