
Nais nang tuldukan ni Herlene "Sexy Hipon" Budol ang fake news na diumano'y ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Wowowin host Willie Revillame.
"Hello! Buntis?" sabi Herlene sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.
Ipinakita pa ng 24-year-old celebrity ang kanyang sexy figure para patunayang hindi siya buntis.
Hindi rin katanggap-tanggap para kay Herlene ang sabihing si Willie ang umano'y nakabuntis sa kanya.
Una na rin itong itinanggi ni Willie sa kanyang programa.
"Sa tingin niyo papatulan ako ni Kuya Wil! Hindi po iyon totoo," natatawang sabi ni Herlene.
Bago ito, idinaan na ni Herlene ang kanyang reaksiyon sa isyu sa pamamagitan ng ilang nakatatawang TikTok videos.
Nag-post din siya ng bikini photo para ipakitang hindi siya buntis.
Samantala, muling sasabak sa matinding drama si Herlene sa upcoming series na Never Say Goodbye na pagbibidahan nina Klea Pineda at Jak Roberto.
Bestfriend ni Klea ang magiging role ni Herlene, kung saan ay hindi lang siya magpapatawa.
"Sobra, as in pong iyak kung iyak. May seryoso rin po ako rito, kahit seryoso po ako tinatawanan pa rin po nila ako.
"Ayun 'yung mahirap sa akin e, umiiyak na ako pero pinagtatawanan pa rin nila ako," pagbabahagi ni Herlene.
Kasalukuyang nasa lock-in taping ng Never Say Goodbye si Herlene.
Bukod kina Klea at Jak, makakasama rin niya sa serye sina Lauren Young, Snooky Serna, Max Eigenmann, Kim Rodriguez, at Sharmaine Santiago.
Tingnan ang dating pagsabak ni Herlene sa drama sa #MPK: