
Abalang-abala ngayon ang komedyante, beauty queen, at ngayong leading lady na si Herlene Budol na may sarili nang teleserye na pinamagatang Magandang Dilag.
Sa kabila nito, naisisingit ni Herlene ang kanyang training para sa sasalihang beauty pageant na Miss Grand Philippines 2023.
Dahil sa kanyang hectic schedule, may mga potensyal na raket siyang hindi ma-oo-han at isa na nga sa matunog ang pagiging host ng Eat Bulaga.
Kinunan ng reaksyon si Herlene ng press patungkol dito sa media conference ng Magandang Dilag noong Sabado, June 17, at kinumpirma niyang may offer sa kanyang maging bahagi ng bagong Eat Bulaga matapos ang departure nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at iba pang orihinal na hosts ng noontime show.
Sagot ni Herlene, "May mga current commitment po ako sa iba na kailangan pong tapusin after po nito, why not po?"
Open pa rin ba siya sa proyekto kung sakaling lumuwag ang kanyang schedule?
Tugon niya, "Happy po ako kung sakali po pero nirerespeto ko po, siyempre, ang TVJ."
Dagdag ni Herlene, isa siya sa mga nalungkot nang umalis ang TVJ sa Eat Bulaga na apat na dekadang naging mukha ng longest-running noontime show sa bansa.
"Umiyak po ako no'ng time na 'yun kasi, syempre, simula bata po ako, and'yan na sila. No'ng nawala po sila, talagang umiyak po ako. Feeling ko na-heartbroken din po talaga ako."
Hindi ba siya nanghinayang nang tanggihan niya ang alok sa kanya?
Paliwanag niya, "Nasa tamang panahon naman po 'yan. May mga bagay po na kung para sa 'yo, para sa 'yo.
"Kaya antayin lang po natin siguro. Thank you, Lord, sa lahat ng mga blessings na binibigay mo."
Noong June 5, ipinakilala ng Eat Bulaga ang mga bagong host nito na sina Paolo Contis, Cassy and Mavy Legaspi, Buboy VIllar, Betong Sumaya, at Alexa Miro.
Kasama rin sa mga bagong nagpapasaya sa programa sina Isko Moreno, Kimpoy Feliciano, at Dasuri Choi.
TINGNAN ANG BAGONG YUGTO NG EAT BULAGA KASAMA ANG BAGONG HOSTS AT SEGMENTS: