Herlene Budol, naiyak sa 'Magandang Dilag' media conference

GMA Logo magandang dilag cast at media conference
Source: Clare Cabudil

Photo Inside Page


Photos

magandang dilag cast at media conference



Ginanap ang media conference ng inaabangang proyekto ng komedyante at beauty queen na si Herlene Budol na 'Magandang Dilag' noong Sabado, June 17, sa GMA Network Center Studio 6. Magpe-premiere ang programa sa June 26, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Ito ang unang pagbibida ng aktres sa telebisyon para sa isang drama series matapos gumanap sa ilang supporting roles.

Bukod kay Herlene, dumalo sa media conference ang iba pang stars ng 'Magandang Dilag' na sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Sandy Andolong, Chanda Romero, Maxine Medina, Adrian Alandy, Bianca Manalo, Angela Alarcon, Jade Tecson, at Riel Lomadilla na nagsilbing host ng event. Samantala, mapapanood din sa 'Magandang Dilag' ang beteranong aktor na si Al Tantay, na may special participation sa serye, at Sparkle artist na si Prince Clemente.

Present din sa mediacon para i-welcome ang mga miyembro ng press ang GMA Entertainment executives na sina VP for Drama Cheryl Ching-Sy, AVP for Drama Ali Nokom-Dedicatoria, at 'Magandang Dilag' director Don Michael Perez na nagpahayag ng paghanga sa bida nilang si Herlene.

"Ang pagkakakilala ko sa kanya, comedian...and 'di dapat 'to comedy. This is her launching vehicle as a dramatic actress. Ako, sa totoo lang, I had a very little expectation kasi nga...komedyante s'ya. Nagulat ako kasi kayang-kaya pala n'ya. In fact, for a relative newcomer for drama, I'm very impressed with her acting skills," pagpuri ng direktor sa aktres.

Nang hingan ng reaksyon si Herlene dito, hindi na niya napigilang maluha dahil sa tuwa.

"Nabigla din ako kasi kung hindi rin po dahil sa kanila, hindi ko rin po magagawa ['yung role ko] kasi tinulungan po nila 'ko lahat. Gi-nuide po nila 'ko. Thank you po," sambit ni Herlene habang mangiyak-ngiyak.

Tingnan ang mga larawan:


Magandang Dilag cast
Herlene Budol
Benjamin Alves
Rob Gomez
Sandy Andolong
Chanda Romero
Maxine Medina 
Adrian Alandy 
Bianca Manalo
Angela Alarcon
Riel Lomadilla
Jade Tecson
Media conference
Compliment
Elite Squad
Director Don Michael Perez

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU