
Nakiisa si Herlene Budol sa Higantes Festival 2024 sa Angono, Rizal noong Sabado, November 23.
Sa Instagram post niya noong November 25, ibinahagi niya ang video kung san makikitang wala siyang kaarte-arteng nakipagbasaan habang hawak ang hose ng tubig.
Nakisaya siya sa kanyang mga kababayan doon bilang parte ng selebrasyon ng kapistahan ni San Clemente na patron saint ng mga mangingisda.
"Happy fiesta Angono Rizal 2024," saad ng Kapuso star sa caption.
Samantala, bibida muli si Herlene sa isang teleserye ng GMA matapos ang 2023 Kapuso afternoon drama na Magandang Dilag.
Mapapanood siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit kasama ang kanyang TiktoClock co-host na si Pokwang.
Sumikat si Herlene nang maging contestant sa Wowowin noong 2019 bilang bikini open winner.
Naging daan ito para pasukin niya ang showbiz at pageant scene.
NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: