
Napanood ang kwento ng buhay ni Herlene Budol sa nakaraang episode ng Magpakailanman na ipinalabas noong Sabado, March 25.
Isa raw sa ultimate wish niya na marami sana ang ma-inspire sa kanyang kwento, ayon sa 'Chika Minute' report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Biyernes, March 24.
"Wala lang susuko kahit anong problema at saka parati ka lang makapagbigay ng positive vibes sa mga nakapaligid sayo. 'Wag mo silang idamay sa mga negative na dumadaan sa buhay mo," bahagi ni Herlene.
Laki sa hirap si Herlene at naging breadwinner ng kanyang pamilya.
Bukod pa rito, naging tampulan din siya ng tukso kaya binansagan siyang "hipon"--slang term na ginagamit sa isang tao "who has a sexy bod but a really ugly face," ayon sa urbandictionary.com.
Pero ngayong nag-transform na ang Bb. Pilipinas 2022 first runner-up, papayag pa rin ba siyang matawag na "hipon" kung saan siya nakilala?
Sagot niya, "Ako, papayag pa rin pong 'hipon' ako dahil si Hipon, dito nakaipon."
Naging daan din daw ito para lalong lumago ang kanyang career. Maliban sa pagiging vlogger at beauty queen, may serye na rin siyang pagbibidahan kung saan gaganap siya sa titular role sa upcoming GMA Afternoon Prime drama na Magandang DIlag.
"Ngayon binubuhos ko yung buong oras ko sa pagte-taping ko dahil ito po yung audition ko sa GMA na sana makaulit ulit, sana magustuhan ng mga taong nanonood sa 'kin," ani Herlene.
Panoorin ang buong report sa video sa itaas.
NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: