GMA Logo roberta tamondong herlene budol graciella lehmann
Photo Source: roberta.tamondong, herlene_budol, and graciella.lehmann (Instagram)
What's Hot

Herlene Budol, sinabing walang inggitan sa pagitan niya at kapwa niya beauty queens

By Jansen Ramos
Published April 4, 2023 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

roberta tamondong herlene budol graciella lehmann


Ayon sa beauty queen at 'Magandang Dilag' actress na si Herlene Budol, 'walang bitter-an' sa pagitan nila ng kapwa niya Bb. Pilipinas 2022 contestants gaya nina Roberta Tamondong at Graciella Lehman, na napapabalita ring sasali sa Miss Grand Philippines 2023.

Inaayos na ng Magandang Dilag lead star na si Herlene Budol ang application niya para sa kanyang pagsali sa Miss Grand International Philippines ngayong taon. Bukod sa kanyang mga susuotin, kabilang sa mga inaabangan ng pageants fans ang kanyang pasarela.

Kaya bang niyang higitan ang ginawa niyang pag-awra sa catwalk ng Binibining Pilipinas 2022 na tinawag niyang "tempura walk" para sa bagong sasalihang pageant?

"Sana," tugon ni Herlene nang makapanayam ng bloggers noong nakaraang buwan sa anniversary event ng ineendorso niyang makeup brand.

Susubukan daw niyang i-level up ang kanyang performance sa Miss Grand Philippines.

Patuloy ng Bb. Pilipinas 2022 first runner-up, "Ako kasi 'di ko ine-expect na magagawa ko na 'yun dati so baka meron pa tayong mas makita.

"Syempre, ako, gusto ko may bago din sa 'kin--'di 'yung kung ano 'yung naipakita ko no'ng una. Ako 'yung tao siguro na hindi marunong makuntento like no'ng sinabi ko no'n sa presscon ko na last year ata 'yon, 'di ako nakukuntento kasi pag nakuntento ka sa kung ano 'yung napakita mo, hanggang do'n ka na lang e.

"So i-level mo 'yung sarili mo, i-try mong gumawa pa ng bagay na ikakabuti mo o ikakaangat mo, ikakaganda ng performance mo."

Magte-training si Herlene sa ilalim muli ng beauty camp na Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.

Matunog din ang pagsali sa Miss Grand Philippines 2023 ng kasabayan niyang si Graciella Sheine Lehmann, na nagsanay din sa ilalim ni Flores.

Kinlaro naman ni Herlene na walang inggitan sa pagitan niya at ni Graciella. "'Yun 'yung goal talaga namin e kasi, 'di ba, sa backstage, nag-uusap-usap talaga kami na 'yung 'MGI, MGI.' Wala kaming bitter-an sa isa't sa na 'akin 'to, akin 'yan.' Hindi.

"Kung ano 'yung maging result, suportahan kami sa isa't isa like kay Roberta [Tamondong] na proud kaming lahat sa kanya kasi ginawa n'ya 'yung best n'ya."

Si Roberta Tamondong ang kinoronahang Bb. Pilipinas Grand International 2022 at kumatawan sa bansa sa Miss Grand International (MGI) 2022 kung saan itinanghal siyang fifth runner-up. Ginanap ang MGI 2022 sa Indonesia noong Oktubre.

Maaalalang ang titulong Bb. Pilipinas Grand International 2022 ang nais masungkit ni Herlene pero nagtapos siya bilang sa first runner-up.

Bilang first runner-up, siya ang panlaban ng bansa sa Miss Planet International 2022 pero nag-withdrew din sanhi ng mga aberya sa kompetisyon.

BAGO SIYA SUMABAK MULI SA PAGEANT, BALIKAN ANG ILANG LARAWAN NI HERLENE BUDOL BILANG BEAUTY QUEEN: