
Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag na nag-premiere noong June 26.
Trending na, consistent pang panalo sa combined TV ratings ang comedy drama, base sa preliminary overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng market research firm na Nielsen Philippines.
Nakapagtala ng mas mataas na ratings ang Magandang Dilag na napapanood sa GMA at Pinoy Hits, kumpara sa katapat nitong dalawang programa na ipinapalabas sa iba't ibang istasyon noong pilot week nito.
Nito lamang Lunes, July 3, umabot naman ng 10.2 percent ang rating ng Magandang Dilag, bagay na ipinagpasalamat ng bida nitong si Herlene Budol.
Proud pa niyang ipinost ito sa kanyang Instagram account. Sulat niya, "My first 10.2 in my life."
Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online landforms.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: