GMA Logo herlene budol in binibining marikit
What's on TV

Herlene Budol's 'Binibining Marikit' scenes with Tony Labrusca, Kevin Dasom elicit kilig

By Jansen Ramos
Published March 23, 2025 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol in binibining marikit


Pinusuan ng netizens ang nakakakilig na tagpo sa pagitan ni Herlene Budol at kanyang 'Binibining Marikit' leading men na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.

Patok sa social media ang mga eksena ni Herlene Budol kasama ang kanyang dalawang leading men na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit.

Pinusuan ng netizens ang nakakakilig na tagpo sa pagitan ng aktres at kanyang dalawang kapareha sa magkahiwalay na eksena.

Mapapanood ang pag-alok ng payong ng karakter ni Kevin na si Matthew kay Ikit, ginagampanan ni Herlene, nang maulanan ang huli habang naghihintay sa labas ng bahay ni Matthew. Pinaniniwalaan kasi ni Ikit na si Matthew ang foreigner boyfriend niya na nang-scam sa kanya. Gustong ipapulis ng stepmom ni Matthew na si Mayumi (Pokwang) si Ikit dahil sa iskandalong ginawa nito.

Nagtatakbo palayo si Ikit at humingi ng tulong sa isang lalaki. Si Drew, ginagampanan ni Tony, pala ang rumescue sa kanya; siya ang parehong lalaki na tumulong din kay Ikit nang mahulog ito sa isang bangin.

Marami naman ang kinilig sa eksena nina Herlene at Tony na naging knight in shining armor ng aktres sa Binibining Marikit.

Ayon sa isang komento ng netizen, "Bagay si Ikit at si Drew. May kilig silang dalawa."

Nakitaan naman ng chemistry ang tambalan nina Herlene at Kevin.

Sabi sa isang comment, "Infairness bagay sila ni Matthew. May chemistry."

Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: 'Binibining Marikit' lead cast, nag-enjoy sa Japan