
Nangyari na ang pinakaaabangang pagtatagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Binibining Marikit.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series ngayong Biyernes, March 14, inimbitahan si Ikit (Herlene Budol) ng nakilala niyang Pinay sa Japan na si May (Pokwang) sa birthday party ng stepson nito.
Noong una ay ayaw pa ni Ikit na pumunta rito pero napilit din siya ng ginang. Pinahiram pa siya nito ng gown na susuotin sa formal event.
Maayos na sana ang kanyang pagdalo pero nagulat siya nang makita na niya ang tunay na pakay niya sa Japan--ang foreigner boyfriend niya na pinaniniwaalan niyang nang-scam sa kanya ng Php 300,000.
Sa party, bigla niyang sinampal ang lalaki na tinawag niyang Viktor. Nagdulot ng iskandalo ang ginawa ni Ikit.
Ikinagalit ito ni May at ipinagtanggol ang lalaki na stepson pala niya. Tinawag din ito sa tunay niyang pangalan na Matthew (Kevin Dasom).
Dahil naipit sa kahihiyan, kinausap nang pribado ni Matthew si Ikit. Ipinakita naman ni Ikit ang mga pruweba na scammer ang lalaki.
Dinepensahan ni Matthew ang kanyang sarili kay Ikit at sinabing hindi siya ang tinutukoy nitong nang-scam sa kanya ng malaking pera pero tila hindi kumbinsido si Ikit.
Hanggang kailan paniniwalaan ni Ikit na si Viktor ay si Matthew? At ano ang gagawin ni Matthew para linisin ang kanyang pangalan?
Subaybayan sa Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: Meet Herlene Budol's new leading man Kevin Dasom