
Nag-collaborate para sa isang online exclusive video para sa GMA Network ang viral stars at kapwa vloggers na sina Herlene Budol, also known as Hipon Girl, at 90 Day Fiance star Rose Vega.
Ni-rate nila ang lang Kapuso hunks gamit ang "Spicy Meter," kung saan five points ang pinaka hot at one point naman ang least hot.
Unang Kapuso actor na ni-rate nila ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
"Oh, perfect five ako diyan. Kinissan ko pa nga eh! Noong nakita ko siya sa personal, bongga talaga 'te. Ang kinis ng mukha, mannequin, walang lait, ganoon!" pahayag ni Herlene.
"Five din ako diyan. Siyempre, fan tayo ng AlDub," paliwanag naman ni Rose.
Sino pa ba ang ibang Kapuso hunks na aprubado kina Herlene at Rose? Panoorin ang buong video nila sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.
Nagkakilala sina Herlene at Rose dahil sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman kung saan si Herlene ang nagbigay-buhay sa talambuhay ni Rose.
Samantala, ibinahagi ni Herlene na kabilang siya sa mga nag-apply para maging potensiyal na kandidata ng Binibining Pilipinas 2022. Silipin ang kanyang preparasyon para sa pageant dito: