What's on TV

EXCLUSIVE: Herlene "Hipon Girl" Budol, may mensahe kay reality show star Rose Vega

By Marah Ruiz
Published April 7, 2022 3:11 PM PHT
Updated November 19, 2022 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol and Rose Vega


Nagkakilala ang dalawa dahil sa '#MPK' episode kung saan si Herlene Budol ang gumanap sa talambuhay ni Rose Vega.

Dalawang viral superstars ang magsasama sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ibinahagi kasi ng reality show star na si Rose Vega ang kanyang buhay sa episode na pinamagatang "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story."

Ang actress and comedienne na si "Hipon Girl" Herlene Budol naman ang magbibigay-buhay sa kanyang kuwento.

Unang beses nilang nagkakilala sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa upcoming #MPK episode.

Image Source: rose_vega_official (IG) / herlene_budol (IG)

"In-expect ko talaga noong una na masaya lang. Ang lungkot pala ng buhay mo din, 'te," sambit ni Herlene kay Rose.

"Oo nga eh. Pero okay lang 'yun," sagot sa kanya ni Rose na nanantiling positibo.

Napagdesisyunan daw ni Rose na ibahagi ang kuwento ng kanyang buhay para makapagbigay ng inspirasyon sa iba.

Bukod kasi sa karanasan niya sa Amerikanong nobyo at ang reality show na sinalihan nito, mapapanood din sa episode ang mga pinagdaanan ni Rose bilang ina na mag-isang nagtataguyod sa kanyang anak.

"For me kasi, gusto ko lang i-share sa lahat ng tao na kahit single mom ka, may magagawa ka, may mararating ka," paliwanang niya.

Dahil sa pagganap niya sa episode, pakiramdam ni Herlene na mas nakilala niya ang reality show star.

"Masaya 'ko na may natutunan ako sa buhay mo kasi ginanapan kita. Sobrang na-appreciate kita. Solid, saludo 'ko sa 'yo," mensahe ni Herlene kay Rose.

Makakasama ni Herlene sa episode ang aktor na si Lee O'Brian, na kilala ng nakararami bilang dating asawa ng Kapuso comedienne na si Pokwang. Si Lee ang gaganap bilang ang Amerikanong nobyo ni Rose.

Nag-enjoy daw si Herlene na makatrabaho si Lee kahit na medyo nahirapan daw siyang makipagsabayan sa pag-i-Ingles nito kapag naguusap sila sa labas ng kanilang mga eksena.

"Sobrang bait talaga niya. Hindi porke't iba 'yung lahi niya, iba 'yung ugali niya. May mga common na rin. Saka feeling ko talagang turo ni Mamang Pokie 'yun na talagang komedyante rin [si Lee]. Feeling ko nga mas komedyante pa. Mas natatawa nga ako sa kanya kaysa sa sarili ko. Ang galing! Magaling po si Mr. Lee," papuri ni Herlene sa co-star.

Ikinaaliw din daw niya na marunong mag-gay lingo si Lee.

"Dream ko din kasi na makasama si Mamang Pokwang. Parang nakasama ko na rin pala sa mga vibes niya kasi marunong mag-gay language. 'Yung foreigner nage-gay language, benta," ani Herlene.

Abangan ang pagbibigay-buhay nina Herlene at Lee sa buhay ni Rose sa "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story," November 19, 8:15 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: