GMA Logo Hipon Girl
Image Source: herlene_budol (Instagram)
What's on TV

Herlene "Hipon Girl" Budol, nagulat sa buhay ni reality show star Rose Vega

By Marah Ruiz
Published April 7, 2022 2:28 PM PHT
Updated November 19, 2022 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Hipon Girl


Si Herlene Budol ang magbibigay-buhay sa kuwento ni reality show star Rose Vega sa isang episode ng '#MPK.'

Isa na namang challenge sa acting skills ni actress and comedienne "Hipon Girl" Herlene Budol ang isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Image Source: herlene_budol (Instagram)

Bibida kasi siya sa episode na pinamagatang "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story."

Gaganap si Herlene bilang si Rose Vega, isang Filipina na sumikat sa isang American reality show tungkol sa mga interractial couples.

Hindi raw inasahan ni Herlene na masalimuot ang buhay ni Rose dahil tulad ng nakararami, nakilala niya ito dahil sa mga video clips online.

"Ang mga napapanood ko lang po kasi sa mga meme. 'Yung kina-cut na lang po sa mga palabas niya dati 'yung mga masasaya lang, 'yung mga nakakatawang moments lang nila. 'I like the view. You're my best view.' 'Yun 'yung mga napapanood ko lang kaya akala ko masaya lang," pahayag ni Herlene sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Nang nabasa daw niya ang script ng episode, ikinagulat niya na malayo sa nakikita sa mga videos na ito ang tunay na buhay ni Rose.

"Noong nalaman ko po 'yung buong istorya, kasi may script naman po, grabe! Script pa lang, na-stress na 'ko kasi ang bigat pala. Hindi po lahat ng tao na nakikita n'yong masaya, masaya talaga. May mga pinagdadaanan din sila, kagaya lang din ng buhay ko, kagaya ng buhay ni ate Rose," ani Herlene.

Dahil sa kanyang pagganap, humanga daw si Herlene kay Rose.

"Sobrang powerful ng mga single mom. Talagang iniisip nila kapakanan noong anak nila bago 'yung sarili nila. Sobrang saludo ako sa mga single mom," lahad niya.

Bukod dito, umaasa siyang maraming matututunan sa episode ang mga manonood.

"'Yung iba kasi tinitignnan nila na porket may jowa or asawa kang foreigner, 'Aim high, Pinay' ka na. 'Isang kababayan na naman natin ang umangat sa buhay.' Hindi po lahat ganoon. Mayroon naman po talagang love talaga 'yung nabuo. Huwag po natin ibase sa ibang tao 'yung kapalaran natin sa buhay. Magsumikap at magkaroon ka ng pansarili mong hanapbuhay," paliwanag ni Herlene.

Makaksama niya sa episode ang aktor at asawa ni Kapuso comedienne Pokwang na si Lee O'Brian at si Marco Alcaraz.

Abangan ang isa na namang natatanging pagganap ni Herlene sa "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story," November 19, 8:15 p.m. sa #MPK..

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: