
Time out muna si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl sa pagpapatawa dahil masisilayan naman natin ang galing niya sa drama.
Tampok ang Kapuso comedienne sa all-new episode ng #MPK (Magpakailanman) na "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story” mamayang gabi, 8:00 pm.
Makakasama ni Herlene sa natatanging episode na ito sina Lee O' Brian at Marco Alcaraz.
Sa panayam kay Hipon Girl sa Chika Minute kagabi, April 8, hindi niya naiwasang magbiro na hindi lamang sa mga eksena niya sa #MPK siya nahirapan.
Hirit niya kay Lhar Santiago, “Talk pa lang nahirapan na ako.”
Sumabat naman ang mister ni Pokwang na si Lee at sinabi nito na magaling ang naging performance ng comedienne. Aniya, “Come on, Herlene. Herlene, you are being humble. You did great, you got the scene done.”
Para naman kay Marco, makikita ng mga viewers ang different side ni Herlene sa pagganap niya sa buhay ni Rose Vega.
Aniya, “Kahit komedyante siya, napakita niya 'yung side niya na seryoso din.”
Panoorin ang buong panayam kina Herlene, Lee, at Marco sa video below.
Heto ang pasilip sa nakakamanghang transformation ni Herlene Budol: