
Pinatunayan ng first Filipina Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo na hindi lamang siya sa weightlifting may ibubuga kung 'di pati na rin sa hulaan ng top survey answers sa Family Feud.
Sa episode ng nasabing trending weekday game show ngayong Lunes, February 14, naiuwi ng team ni Hidilyn na team Olympic Gold ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro.
Kasama ni Hidilyn sa kanyang team ang kanyang asawa at coach na si Julius Naranjo, at mga bagong atleta na sina Bim Capuno, at Rowel Garcia.
Samantala, nakalaban naman nina Hidilyn ang may ipinagmamalaki ring gold -- ang team Golden Voice na pinangungunahan ng theater actor at gumanap bilang unang bayani sa musical na Lapulapu na si Arman Ferrer, kasama sina Jep Go, Floyd Tena, at Alfritz Blanche.
Sa unang round, panalo na agad ang team Olympic Gold sa score na 74 points. Pero agad naman na nakabawi ang team Golden Voice sa second round sa score na 73 points.
Sa third round muling na-steal ng team Olympic Gold ang game nang mahulaan nila ang isang survey answer sa tanong na, “Ano ang makikita mo sa bag ng isang doktor?” Dito ay nakakuha sila ng 230 points.
Sa fourth round, mas naungusan pa ng team ni Hidilyn ang kalabang team nang tumama ang survey answer niya sa tanong na, “Anong activity ang ginagawa mo nang nakaluhod?”Ang winning answer ni Hidilyn,”naglilinis.” Dito ay nakakuha sila ng score na 500 points.
Sina Hidilyn at Bim ang sumalang sa last round o fast money round kung saan nakabuo sila ng mataas na score na 212 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Anawim Home of God's Poor bilang napiling charity ng team Olympic Gold habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang team Golden Voice .
Samantala, ibinahagi rin ni Hidilyn na abala na siya ngayon sa training para sa paparating na Paris Olympics.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG NAGING KASALAN NINA HIDILYN DIAZ AT JULIUS NARANJO SA GALLERY NA ITO: