
Sa February 5 episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, sunod sunod ang kamalasan ni Ginalyn (Barbie Forteza), matapos mawalan ng trabaho sa travel agency, mapapahiya pa ito. Kahit anong iyak at pagpapaliwanag ni Ginalyn, walang awa siyang ipapahiya ng dating best friend na si Caitlyn (Kate Valdez).
Ang buong akala ni Ginalyn nakipagkita si Caitlyn para makipagayos, pero ipapahiya lamang pala siya nito sa harap ng maraming tao.
Luhaang magpapaliwanag si Ginalyn na hindi niya ginustong magkalapit sila ng boyfriend ni Caitlyn na si Cocoy (Migo Adecer) at pilit niya itong nilayuan, pero hindi maniniwala si Caitlyn.
Patuloy na panoorin ang kuwento ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA-7 tuwing Lunes hanggang Biyernes alas-otso ng gabi.
Panoorin ang highlights ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday dito:
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: No mercy for you, Ginalyn!
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Ginalyn gets humiliated in public
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: The revenge of Caitlyn
Samantala, silipin ang naganap na lock-in taping para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: