GMA Logo Her Private Life
What's Hot

Hit K-drama 'Her Private Life,' mapapanood na sa Lunes!

By Bong Godinez
Published June 11, 2021 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Her Private Life


'Her Private Life' debuts on GMA on Monday, June 14.

Tatlong tulog na lang at mapapanood na sa GMA ang sikat na K-drama na, Her Private Life.

Ang nakakaaliw at nakakakilig na serye ay pagbibidahan nina South Korean superstars Park Min-young, Kim Jae-wook, Ahn Bo-hyun, at Jung Jae-won.

Tiyak na makaka-relate ang maraming K-pop fans sa karakter ni Abby na isang museum curator at secret super fan ng isang sikat na pop group.

Photo by: herprivatelife_drama (IG)

Walang may alam sa pagiging ultimate fangirl ni Abby, na gagawin ang lahat para sa kanyang iniidolo.

Pero magbabago ang lahat sa pagdating ni Ryan Gold, ang bagong direktor ng art museum na pinagtatrabahuhan ni Abby.

Photo by: herprivatelife_drama (IG)

Paano makakaapekto si Ryan sa sikreto ni Abby? Magkakaroon kaya ng kaugnayan si Ryan sa sikretong buhay ni Abby?

Photo by: herprivatelife_drama (IG)

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng Her Private Life sa Lunes, June 14, 11:30 a.m. sa GMA.

Mapapanood ang Her Private Life tuwing Lunes hanggang Biyernes 11:30 a.m., at Sabado 10:45 a.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin ang main cast ng Her Private Life sa gallery na ito: