Showbiz News

WATCH: Manny Pacquiao, todo-ensayo na para sa laban niya kay Keith Thurman

By Cara Emmeline Garcia

Sumabak na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa back-to-back training niya sa Los Angeles, California para paghandaan ang laban niya kay undefeated boxer Keith Thurman sa darating na Hulyo.

Manny Pacquiao

Sa kaniyang training sa Wild Card Gym ni Freddie Roach, kitang-kita ang dedikasyon ni Pacman sa larangan ng boksing at tila hindi siya nagpapakita ng ano mang pagod sa ensayo.

Unang nakatikim ng mga galaw at suntok ng Pambansang Kamao ang dalawang sparring partners nito.

Pahayag ng dalawa, wala pa ring kupas ang bilis at bigat ng left hook ni Manny kahit 40 years old na siya.

IN PHOTOS: Manny Pacquiao's intense training for fight against Keith Thurman

At sa nakalipas na 18 taon nilang pagkakaibigan, patuloy pa rin ang paghanga ni Coach Freddie Roach sa kaniyang alagang si Manny.

Pero kung mayroon pang dapat paghandaan si Pacman sa nalalapit niyang laban kay Thurman, payo ni Freddie na mas galingan pa ng boksingero ang kaniyang footwork.

Panoorin ang buong ulat ni Chino Trinidad:

LOOK: Manny Pacquiao's training in Los Angeles officially begins