Showbiz News

Toni Gonzaga, aminadong na-adik sa 'Crash Landing On You'

By Aedrianne Acar

Isa na ang actress/singer na si Toni Gonzaga sa humahabang listahan ng mga celebrity na certified “addict” sa hit tvN romcom series na Crash Landing On You (CLOY) na pinagbibidahan nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Pinoy celebrities who fell in love with 'Crash Landing on You'

Sa Instagram Stories ni Toni, nag-post ito nang ilang eksena na sobra niyang kinakiligan.

Dagadag pa nito, hindi daw niya napigilan tumili sa mga eksena ng mga characters nina Hyun at Son na sina fashion heiress Yoon Se-Ri at North Korean captain Ri Jeong-Hyeok.

Bukod kay Toni, sobra din ang pagka-faney ng Kapuso actress/singer na si Yasmien Kurdi sa CLOY at gumawa pa siya ng cover ng isa sa mga OST nito na 'Flower.'

WATCH: Netizens rave about Yasmien Kurdi's cover of 'Crash Landing On You' OST 'Flower'

Hindi rin nagpahuli ang iBilib host at former PBA player na si Chris Tiu na ipinamalas ang piano cover niya ng kanta na sinulat ni Ri Jeong-Hyeok para sa namatay nitong kapatid.

Kayo mga Kapuso, ano favorite scene ninyo sa 'Crash Landing On You?'

Yasmien Kurdi, humirit ng part two ng hit K-drama series na 'Crash Landing On You'