Showbiz News

Netizens, kumasa sa 'home travel' challenge ng Pangulo

By Dianara Alegre

Sa gitna ng banta ng Novel Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa ay hindi pa rin nawawala ang sigla at pagkakuwela o ika nga ay resiliency ng mga Pinoy.

Patunay riyan ang viral na video ng ilang netizens na kumasa sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikutin na lamang muna ng publiko ang kanilang mga bahay ngayong sumasailalim ang Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon sa community quarantine.

Ang naturang hamon ay ipinahayag ng Pangulo sa televised and live press conference sa Palasyo nitong Huwebes, kasabay ang pagdedeklara ng community quarantine sa capital ng Pilipinas na naging epektibong nitong Linggo, March 15.

Samantala, patok ang mala-travel vibe na pagpasyal ng grupo sa kanilang sala, sa kusina, sa kuwarto at maging sa comfort room. Hindi lang 'yan, dahil may bitbit din silang travel bags at maleta na lalong nagbigay-aliw sa publiko.

Ang throwback video nila ay muling nabuhay dahil relate daw ito ngayong may COVID-19 sa bansa. Mabilis itong nag-viral online at naging tampulan ng katatawanan ng netizens.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras:

Celebrities' precautionary measures against COVID-19

IN PHOTOS: "Community Quarantine" due to COVID-19 fuels memes, funny posts

DOH releases TikTok video to combat coronavirus (COVID-19)