Showbiz News

Rufa Mae Quinto misses going out, spams bikini pics

By Marah Ruiz

Kasalukuyang nasa San Francisco, California si sexy comedian Rufa Mae Quinto kung saan siya naabutan ng quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Kabilang ang San Francisco sa mga lugar na may mandatory shelter-in-place order. Ibig sabihin nito, dapat manatili sa kanilang mga tahanan ang mga residente.

Idinaan naman sa pagpo-post ng kanyang sexy bikini photos ni Rufa Mae ang pagkabagot niya.

Sa inflatable kiddie pool na lang daw muna siya magpapalamig.

"Beautiful sunny day today. Quarantine mood, Inflatable kiddie pool. wait Lang, masikip sa dibdib uplift your self," sulat niya sa Instagram.

Inalala din niya ang mga panahon kung kailan wala pang masayadong mapag-aaliwan kung sakaling ma-stuck ka sa bahay.

"Kapit Lang tayo guysh, walang bibitaw ! Kahit masikip sa dibdib, Todo na to! Sana May 3 , O... O... Open na ang San Francisco, sa shelter in place , we wanna work out na ! I'm afraid to be afraid anymore, Yassss! More positivity! Parang noong unang panahon, Wala kaming WiFi, gripo , tv,bubong, kuryente... tissue, paper towel, celphone and gadgets. Igib igib Lang! Pila balde ang peg noong araw .. pero , malaya!

Ngayon daw, hindi na mauubusan ng gagawin kahit nasa bahay lang.

"so mabuti nalang now May mga tiktok, YouTube vlog, google, kuryente, water, house, family, tissue, eggs, wipes, etc etc. mag tongits or mahjong kaya tayo guysh? Baka manalo Todas na to!" sulat niya.

Dahil daw sa pamamalagi niya sa bahay, bumalik na daw sa dating kulay ang kanyang balat.

"Latest photo ko , namumuti na ako sa kaka inside the home shelter in place , di naarawan! Namumuti na skin and ang buhok ko ... bago mag kaloshangan , here we go go go!"

Bukod dito, dapat daw abangan ang kanyang upcoming vlog.

"Wait mag vlog na ako with the bubble gang ! Yung huling taping ko sa Manila with the bubble gang , masaya naman!"

Binalikan din ni Rufa Mae ang mga dati niyang bakasyon dahil miss na miss na rin niyang mag-beach.

Kahit nasa Amerika si Rufa Mae, nagawa pa rin niyang sumuporta sa Alalay Kay Nanay Project ng kanyang kapwa artista at mga kaibigang sina Camille Prats, LJ Moreno, Chynna Ortaleza-Cipriano, Iya Villania-Arellano, Isabel Oli-Prats, LJ Reyes, at Chariz Solomon.

Naglalayon itong kumalap ng pondo para sa mga baby-friendly relief goods at essentials.