
Bukod sa paglalabas ng mga videos na kinunan niya bago ang enhanced community quarantine, sinusubukan pa rin ni Janine Gutierrez na gumawa ng mga bagong video content sa kanyang vlog.
Matatandang naglabas siya ng isang Q & A session kasama ang kanyang lola na si Pilita Corrales na pinamagatang "Ask Mamita Anything."
Nag-release din siya ng mukbang video kasama ang nobyong si Rayver Cruz.
"A lot of people are also requesting mga 'day in the life of quarantine' vlogs so I'm trying to do something like that," pahayag ni Janine sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Naranasan na rin daw niya ang 'new normal' dahil siya lang ang magsu-shoot ngayon ng kanyang mga videos.
"On your own! Usually 'di ba pwede kang humungi ng tulong kahit sa camera man? When you're on your own it's a different setup," kuwento ni Janine.
Sa tingin daw niya, mahalagang magpatuloy na i-share ang mga kaalaman, lalo na at isolated ang mga tao ngayong dahil sa lockdown.
"Recently we did a makeup live naman with my makeup artist Anthea Bueno. That was fun kasi I felt like a viewer din kasi siyang 'yung nagtuturo. Now is the time talaga to share what we know with each other," aniya.
Aminado si Janine na may pag-aalangan pa siyang bumalik sa pagsu-shoot ng mga teleserye at pelikula dahil sa banta ng COVID-19.
Bukod sa kanyang vlog, abala rin si Janine sa pag-aaral magluto at sa paggawa ng iba't ibang gawaing bahay.