Showbiz News

Mark Bautista at Raymond Lauchengco, ginamit ang sining para makatulong sa COVID-19 relief

By Dianara Alegre

Hindi lang magagaling na singers sina Mark Bautista at Raymond Lauchengco dahil may talent rin sila sa sining.

Si Mark ay mahusay pagdating sa painting habang tampok naman ang galing ni Raymond sa pag-ukit ng kahoy at iba pang scrap materials.

Nitong nakalipas na enhanced community quarantine (ECQ), kung kailan mahigit dalawang buwan silang nakapirmi sa kani-kanilang mga bahay, nagkaroon ng oras sina Mark at Raymond para balikan ang kanilang mga hilig.

Bukod dito, dahil napaka-creative at magaganda ang kinalabasan ng kanilang artworks, isinubasta nila ito at ang kinita ay ginawang donasyon bilang bahagi ng COVID-19 relief efforts.

Ayon kay Raymond, kumita siya ng mahigit PhP70,000 dito.

“'Yung partial proceeds were turned over to the National Live Events Coalition.

“They sent me a photograph of 33 people na natulungan nu'ng fund raiser. And talagang I was very moved by that,” aniya.


Umabot naman ng mahigit Php 400,000 ang nalikom ng paintings ni Mark Bautista.

Aniya, ito ay ido-donate niya sa celebrity online bazaar “Shop and Share” fundraiser na ang layon ay matulungan ang gobyerno na makabili ng COVID-19 www.gmanetwork.com/covid19 testing kits.

“Sobrang na-appreciate ko 'yung lahat ng tao or 'yung nagkaroon ng interest na mag-participate nito especially 'yung mga bumili or 'yung nag-bid ng malalaking amount.

"Kasi, sa panahon ngayon na nae-extend 'yung quarantine, ang hirap maglabas ng pera,” sabi ni Mark.


Mark Bautista auctions off artworks as part of COVID-19 relief efforts

Ryan Cayabyab and other local artists launch Facebook live concert to raise funds for those affected by COVID-19