Showbiz News

Ken Chan advises aspiring pet owners: 'Kailangan responsable tayo'

By Dianara Alegre

Isa si Kapuso actor Ken Chan sa mga certified pet lovers na talaga namang ibinibida ang kanilang mga alagang hayop.

Kabilang sa mga alaga ng aktor ang isang short haired cat, Siberian husky, sun conure bird at mga pagong.

Ayon kay Ken, labis siyang napapasaya ng kanyang mga cute na cute na mga alaga.

“Sobrang iba 'yung peace na binibigay sa akin ng pets ko. 'Yung turtle ko, 'yung parrot, 'yung mga aso, 'yung pusa ko,

“Iba, parang pakiramdam mo mayroon kang barkada hindi lang sa 'kin, sa buong family na rin,” sabi ng aktor.

Ken Chan says pets are part of his sources of joy amid quarantine

Hindi lang 'yan, dahil may newest addition sa pets ni Ken, ang African Grey parrot na pinangalanan niyang Pasha.

“Ang balita ko sa kanila, sila 'yung isa sa mga pinakamatalinong kind ng parrot at marami talaga silang kayang i-produce o sabihin na mga words.

“Karamihan ng mga name namin, alam niyang sabihin. Kilala niya kami kasi everyday niyang naririnig. Nakakatuwa lang na kahit hindi naming siya turuan, tapos kung ano lang 'yung naririnig niya everyday, nagagawa niyang sabihin,” dagdag pa niya.

Ken Chan introduces his talking pet

Samantala, pinaalalahanan naman ni Ken Chan ang mga nagnanais na maging pet owner.

“Handa ka na alagaan sila. Handa ka na dapat na maging member sila ng family mo kasi hindi biro ang mag-alaga ng isang animal.

“Kailangan responsable tayo. Kapag bumibili tayo…tapos 'pag nandyan niya, hindi pala kayang alagaan. Maraming cases kasi na gano'n na nagko-cause kung bakit napapabayaan 'yung marami sa mga animals,” aniya.

WATCH: Sasakyang minamaneho ni Ken Chan, nabangga ng van

Panoorin ang buong 24 Oras report: