Showbiz News

Alden Richards, nag-launch ng kanyang streaming video for online games

By Maine Aquino

Ipinakita ni Alden Richards ang isa sa kanyang hobbies sa kanyang mga fans at ito ay ang paglalaro ng online games.

Nitong June 13, ni-launch ni Alden ang #ARGaming sa kanyang Facebook page.

Ayon kay Alden, isi-stream niya ang kanyang mga games sa kanyang verified Facebook page.

Aniya, "I'll be streaming all of my games here in my Facebook page. 'Yung Alden Richards na verified page."

Habang naglalaro si Alden ng Mobile Legends at Ragnarok. Nagbahagi siya ng ilang mga kuwento sa mga nanonood sa kanyang video.

Isa sa mga ito ay ang kanyang pagsisimula na maging gamer.

"Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so iba eh. Parang it's a different world."

Dagdag pa niya, "Games are games. Kahit ano pa ang composition ng laro."

Nag-iwan rin ang Asia's Multimedia star ng payo sa mga gamers. Aniya, dapat magkaroon ng tamang balanse sa oras kapag naglalaro ng online games.

"Perfect balance lang. Dapat balanse lang. Ako kaya lang naman ako bugbog sa online games gawa ng quarantine."

Nag-iwan naman si Alden sa mga nanonood sa kanya na manatiling ligtas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Sa mga nasa bahay ngayon, stay safe, stay at home, manood ng stream. At gumawa ng makabuluhang bagay."

Ipinahayag din ni Alden ang pasasalamat sa mga nanood sa kanya at muli umano siyang magbabalik sa pagsi-stream.

"Natutuwa ako sa result ng first day of stream. Salamat po. Sana nag-enjoy kayo lahat. I'll be back again soon."

Panoorin ang unang live streaming video ni Alden sa kanyang Facebook page:


Alden Richards surprises OFW look-alike on KMJS!


Alden Richards prays for Filipinos' safety for the new normal