Showbiz News

'Prima Donnas' star Jillian Ward, natutong sumayaw dahil sa TikTok

By Aaron Brennt Eusebio

Bukod sa pag-arte, mahusay rin sa pagkanta ang teen actress na si Jillian Ward. Kaya naman ngayong quarantine, pinag-aralan niya kung paano sumayaw sa pamamagitan ng video-sharing app na TikTok.

Ayon sa bida ng Prima Donnas, hindi talaga siya marunong sumayaw noon hanggang sa subukan niya ang TikTok.

Usong-uso kasi sa TikTok ang dance cover ng iba't ibang kanta tulad ng Binibining Marikit, Tala, at Laxed challenge.

“Actually ginagaya ko lang po ['yung choreography] kasi nga hindi po 'yung ako magaling sumayaw,” saad ni Jillian sa kuwentuhan nila ng host ng Unang Hirit na si Lyn Ching.

“And doon po ako natututo, actually, sa TikTok, sa mga choreography.

“And dati talaga wala po ako sa beat. Ngayon, kahit papaano, on beat na rin.”

Binigyan rin ni Lyn si Jillian ng challenge kung saan sabihin niya ang linya sa Prima Donnas na “nararamdaman ko na, unti-unti nang nawawala sa akin ang mga kapatid ko” sa iba't ibang emosyon.

Magawa kaya ni Jillian? Panoorin:

Kahit na hindi umeere sa telebisyon ang Prima Donnas, mapapanood pa rin si Jillian, kasama sina Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo, at iba pang cast sa 'Prima Donnas: Watch From Home', na mapapanood tuwing Biyernes ng 5pm sa YouTube channel, Facebook page, Twitter account ng GMA Network.

'Prima Donnas' stars, masayang nagkulitan sa kanilang reunion

Jillian Ward reaches 1M followers on TikTok, talks about being an online influencer at 15