Showbiz News

Patricia Tumulak, aktibo sa 'Push To Read Project' kahit naka-quarantine

By Dianara Alegre

Kamakailan ay inilunsad ng dating beauty queen at TV host-actress na si Patricia Tumulak ang YouTube channel ng kanyang passion project na “Push To Read Project” na layuning hikayatin ang kabataan na magbasa ng libro.

Sinimulan ni Patricia ang naturang proyekto noong 2018 kung saan nagtutungo siya sa iba't ibang barangay para ibahagi ang kanyang pagmamahal sa libro sa mga bata.

At sa panahon ngayon ng pandemya, nagdesisyon siyang dalhin ang “Push To Read Project” online para patuloy pa rin niyang maipagpatuloy ang kanyang layunin.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi niya ang naging inspirasyon sa likod ng hakbang na ito.

''Yung pamangkin ko nandito. Ako 'yung nagpapatulog sa kanya habang nagbabasa ng libro. Sabi ko, 'Bakit hindi na lang ako gumawa online. At least active pa rin ako with my passion project,” aniya.

Nagbigay rin siya ng payo sa mga magulang tungkol pagtuturo sa kani-kanilang mga anak ng time management lalo na ngayong malapit nang magsimula ang online class ng mga estudyante.

“Everything starts at home. Siguro you have to lead by example na with time management, pwede rin 'yan ma-apply sa bata. Kunwari bigyan kita ng an hour to watch TV. And then after that, we'll have two hours to study. Start them at an early age na nama-manage nila 'yung time na may positive reinforcement,” aniya pa.

WATCH: Patricia Tumulak shares her passion for reading

Samantala, bago pumasok sa showbiz at pageantry, si Patricia ay isang volunteer teacher at may Bachelor's degree sa Early Childhood Development.

Panoorin ang buong 24 Oras report: