Showbiz News

Lolit Solis, hanga sa kasipagan ni Marian Rivera sa kabila ng quarantine

Hanga si Lolit Solis kay Marian Rivera na patuloy pa rin ang pagtatrabaho sa kabila ng quarantine.

Pagpansin ni Lolit, kahit abala si Marian sa kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy, pursigido pa rin ang aktres sa kanyang negosyo.

Aniya, “Talagang si Marian Rivera hindi mo mapatigil sa trabaho, Salve. Siyempre nasa bahay siya dahil hands-on na mag-alaga kina Zia at Ziggy, pero busy pa rin siya sa kanyang Flora Vida na talaga naman bongga ang demands habang naka-quarantine ang lahat.

“Talagang sold out ang kanyang dried flowers na balitang ang bango at very refreshing para sa mga nakakaamoy nito kaya naging in demand sa mga housewife na gustong mabango ang bahay nila, lalo pa nga at quarantine ang lahat.”

Dugtong pa ni Lolit, dati pa man ay angat na talaga si Marian dahil sa kanyang kasipagan at ang katangiang ito ang maganda niyang maipamamana sa kanyang mga anak.

“Isa itong quality ni Marian Rivera na kahanga-hanga, walang oras na sinasayang. Sure ako na mamanahin ng mga anak niya ang nakikitang kasipagan nila ng asawang si Dingdong Dantes,” patuloy ni Lolit.

Maliban sa pagbabalik-operasyon ng Flora Vida at pagiging abala sa pagiging isang asawa at ina, involved din si Marian sa pagtulong sa ilang donation drives at paglikha ng short videos katuwang si Dingdong.

IN PHOTOS: Inside the quarantine life of the Dantes family

WATCH: Marian Rivera teases new collection of floral business