What's Hot

Aiai delas Alas sa matagumpay niyang baking business: "Isa sa secret is precision."

By Dianara Alegre
Published July 22, 2020 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas martinas pastries


Ibabahagi ni Aiai delas Alas ang mga natutunan niya sa kanyang baking business sa 'Mars Pa More.'

Naging matagumpay at patuloy na lumalago ang baking business ni Comedy Queen Aiai Delas Alas, ibabahagi niya sa publiko ang kanyang mga natutunan habang binubuo pa lamang ang negosyo.

Isa kasi ang aktres sa mga bigating bisita ng Mars Pa More para sa month-long anniversary celebration nito.

Aiai delas Alas

Source: msaiaidelasalas (IG)

Ayon kay Aiai, ikukwento niya ang mga naging pagsubok sa kanyang business, gayundin ang mga nalaman niya sa proseso.

“Along the way, makikita mo na may mga sariling buhay 'yung tinapay. May mga naging problema.

"Ngayon ko ng lang din nalaman na ang yeast ay nag-o-overheat. Isa sa secret is precision, precise kailangan dapat 'yung recipe mo,” aniya.

Matatandaang dahil sa community quarantine at at banta ng COVID-19 ay pansamantalang natigil ang trabaho ng mga artista, at isa na rito si Aiai.

At dahil sa pamamalagi niya sa bahay, naisip niyang buhayin ang kanyang natatagong culinary skills at nagsimula ng isang pastry business, ang Martina's Bread and Pastries.

Martinas Pastriess ube cheese pandesal

Source: msaiaidelasalas (IG)

Samantala, isa rin si Aiai sa napakaraming celebrities na certified fur-parent.

May tatlo siyang Pekingese dogs at sila ang nakapagpapaalis ng stress niya sa araw-araw.

“Sabi nila, mga pang-king daw 'to, mga pang-emperor. May pagkasuplado sila na alta 'yung mga kilos nila,” aniya.

Dagdag pa niya, nagsimula raw ang hilig niya sa pag-aalaga ng aso noong college siya.

“Nu'ng college ako, mayroon akong isang aso. Hindi naman talaga ako dati mahilig sa aso pero hindi ko alam bigla na lang siyang ng special part sa heart ko.

“Sinusundo niya ako sa kanto. Hindi ko alam kung paano nangyayari 'yon. So, parang ang tali-talino ng dog na 'to. Tapos nahilig na ako sa dogs,” sabi pa ni Aiai.

Watch the full 24 Oras report in the video above.

Aiai delas Alas gives advice to small business owners during GCQ

Celebrities launch businesses amid the COVID-19 pandemic