Showbiz News

Tom Rodriguez, nagkainteres na rin sa music production

By Dianara Alegre

Isa sa mga hobbies ngayon ni I Can See You: High Rise Lovers star Tom Rodriguez ang music production.

Bukod sa kanyang rapping at animation skills, pinagtutuunan na rin ng Kapuso actor ang interes niya sa music production.

Kamakailan nga ay ibinahagi niya sa social media ang proseso ng paggawa niya ng musika.

Source: akosimangtomas (IG)

Sa isang panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Tom na bukod sa pagsusulat ng kanta, gusto niyang makapag-compose ng sariling beat at makabuo ng sariling awitin.

“Backing track for my vlogs, for my animations, mga gano'n. Hanggang sa nag-iba-iba na. So ngayon for my song writing, my raps. Parang plano ko sana one-man team,” aniya.

Nagsimula umano ang interes ni Tom sa music production nang bumida siya sa musical play na Aladdin noong 2012.

“Seeing the orchestra, how our MD would set things up, parang it inspired me na you can put sounds together and try to create an emotion or a vibe.

“Parang may nag-click lang sa utak ko na I want to try something like that,” dagdag pa niya.

Quick session before going on the set for I See You taping :):):)

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Samantala, nakatakdang bumida si Tom Rodriguez sa pinakabagong drama anthology ng GMA, ang I Can See You: High Rise Lovers.

Makakatambal niya rito si Kapuso leading lady Lovi Poe.

Kasama rin sa cast si actress-beauty queen Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga at Divine Tetay.

Mapapanood na ang I Can See You: High Rise Lovers sa October 12, sa GMA Telebabad.