
Aling Maliit no more! Kung noon guestings at trabaho lang sa noontime show na Eat Bulaga ang pinagkakaabalahan ni Ryzza Mae Dizon, ngayon ay isa na siyang very busy lady.
Mula nang manalo si Ryzza sa Little Miss Philippines noong 2012, inabangan na ng marami ang kanyang mga susunod na yapak sa showbiz industry.
Ngunit kahit naabot na niya ang ilan sa kanyang mga pangarap, nananatili pa rin ang kanyang kasipagan.
Sa katunayan nga, ilang mga gawain ang kaya niyang pagsabay-sabayin.
Kahit naka-stay at home si Ryzza, nagagawa niya ang lahat ng naka-plot sa kanyang busy schedule.
Si Ryzza ay isa na ngayong Grade 9 student. At dahil nga sa COVID-19 pandemic, virtual o online classes muna ang paraan upang siya ay makapag- aral.
Bukod sa pag-aaral, busy rin si Ryzza sa kanyang hosting jobs sa noontime show na Eat Bulaga.
Dahil hindi pwedeng lumabas, hosting-from-home muna ang peg ni Ryzza.
Sa murang edad ay namulat na si Ryzza sa pagtatrabaho. Ngunit, makikita sa dalaga na talaga naming na-e-enjoy niya ang kanyang ginagawa.
Mula sa pag-attend sa online classes at pagho-host, kinareer na rin ni Ryzza ang vlogging.
Sa isang Instagram post noong 2020, masayang ibinahagi ni Ryzza ang unboxing ng kanyang Silver Play Button na nanggaling sa Youtube.
Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa kanyang subscribers at supporters.
Sa YouTube Channel ni Ryzza Mae, ikinukuwento niya ang ilang sa mga bagay na kanyang pinagkakaabalahan. Ilan sa mga title ng kanyang vlogs ay "A Day in My Life," "Room Tour," "Work day," "Making my own breakfast" at "Cleaning Day."
At speaking of cleaning, kahit busy na si Ryzza sa studies, work at sa paggawa ng content para sa kanyang vlogs, hindi pa rin kinakalimutan ng dalaga na tumulong sa mga gawaing bahay.
Proud na ibinahagi ni Ryzza sa kanyang Youtube Channel na cleaning moments ang madalas na bonding nila ng kanyang buong pamilya.
Si Ryzza Mae Dizon ang isa sa source of happiness ng ilang Dabarkads at supporters ng Eat Bulaga.
Nakilala siya ng marami bilang isang bibong bata dahil sa nakakaaliw at nakakatawang mga sagot at punchlines nito habang nasa show.
Alam at kabisado rin ng ilang dabarkads ang kanyang signature pose na, 'Look Up!, Look Up!'
Nito lamang June 12, ipinagdiwang ni Ryzza ang kanyang 16th birthday.
Sa mismong kaarawan ni Ryzza ay isang online party ang inihanda ng Eat Bulaga family niya para sakanya.
Bago magsimula ang pandemya, kasama ni Ryzza Mae sa pagho-host ang cute na cute na si Bae-by Baste at ilang Eat Bulaga Dabarkads tulad nina Vic Sotto, Pauleen Luna Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Jose Manalo, Paolo Ballesteros at marami pang iba.