
Sa isang episode ng Unang Hirit, exciting outdoor activities sa Antipolo City ang sinubukan ng Dapat Alam Mo! host na si Patricia Tumulak.
Kumasa si Patricia sa thrilling adventure na pwedeng gawin sa nasabing pasyalan na ito malapit sa Metro Manila.
Kuwento niya, " Ang sarap maging one with nature dito sa Antipolo at samahan mo pa ng maraming outdoor activities."
Nagpaalala rin ang TV host pagdating sa health and safety protocols kung papasyal ngayong may pandemya.
Aniya, "Paalala rin po mga Kapuso lalo na sa mga gustong mamasyal, mag-ingat po tayo at laging magsuot ng face mask, mag-disinfect at mag-physical distancing."
Unang sinubukan ni Patricia ang archery, sunod ang paintball, horseback riding, at ATV ride kung saan nasubukan ang kanyang coordination skills.
Bukas daw ang pasyalan Lunes hanggang Linggo, simula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Panoorin masayang pagbisita ni Patricia sa Antipolo City, DITO:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang outdoor activities ng mga celebrity ngayong "new normal":