
Patuloy na umuulan ng congratulatory messages sa social media matapos sumampa sa 10 million subscribers ang YouTube channel ng content creator na si Lincoln Velasquez na mas kilala bilang si Cong TV.
Nito lamang nagdaang Biyernes, May 27, opisyal na pumalo sa 10 milyon ang bilang ng kaniyang supporters at viewers.
Sa vlog na inupload ng kaniyang girlfriend na si Viy Cortez na isa ring vlogger, mapapanood ang 10 million celebration para kay Cong na inihanda ng pinangungunahan niyang grupo na kilala sa tawag na Team Payaman.
Matatandaang taong 2008 nang nagsimulang gumawa at mag-upload ng video ang 30-year-old vlogger.
Una siyang nakilala sa pamamagitan ng ilang kwelang short videos ngunit makabuluhang clips sa YouTube pati na rin sa app na Vine.
Kalaunan, sineryoso na ni Cong ang vlogging na nagbigay daan hindi lang sa kaniyang kasikatan ngayon kundi pati na rin sa kaniyang girlfriend at mga kaibigan.
Samantala, kilalanin ang Top 10 "breakout creators" sa Pilipinas noong 2020 sa gallery na ito: